Seryoso, bata pa lang ako, akala ko ang college madali. Akala ko ang college ay easy come, easy go. Akala ko ang college ay parang quiz na 1-10. Pero narealize ko na ang lahat ng inaakala ko ay mali. Sabi nga nila, "expect the unexpected". asahan ang hindi mo inaasahan. Tama sila, Lahat kasi ng inakala ko ay kabaliktaran ng tunay na kwento sa likod ng mga astig na porma ng mga EGELLOC STNEDUTS.
Tandaan mo, ang college ay hindi madali, ang college ay hindi easy come,easy go, at ang college ay lalong hindi quiz na 1-10. Isa itong long test na 1-100 na susubok sa katatagan mo, Kapag may natutunan ka may isasagot ka. 'Pag tama ang naisagot mo, papasa ka. 'Pag nakapasa ka, gagraduate ka. Gagraduate ka, sa pag-aaral at kasabay nun gagaraduate ka din sa pagiging EGELLOC STNEDUTS.
Kung gusto mong maging isang EGELLOC STNEDUTS, dapat alam mo kung paano mo didisiplinahin ang sarili mo. Dapat alam mo kung paano mo ipaglalaban ang karapatan mo bilang estudyante. Bago ko matapos ang 1st Year 1st Semester sa dati kong school, masasabi kong may natutunan din naman ako, yun ay ang, "dapat marunong kang mag-adjust sa environment mo, Dahil kahit anu'ng gawin mo, hindi mag-aadjust ang environment mo para lang sa kapakanan mo."+"..Mga Dyosang EGELLOC STUDENTS.."+
I WON'T HOLD YOU BACK NOW-TOTO
No comments:
Post a Comment